NEGOSYANTE NIRATRAT SA KANYANG RESTO

QUEZON – Patay ang isang negosyante matapos ratratin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob ng kanyang restaurant sa Sitio Balete, Barangay Sampaloc 2, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan pasado alas-9:00 ng gabi noong Miyerkoles.

Kinilala ang napatay na si “Rosidillo”, 53, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril umano ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang biktima habang nasa loob ito ng kanyang kainan.

Tinamaan ang biktima ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agarang nitong ikinamatay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril at kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang mga suspek at ang motibo sa likod ng pamamaslang.

(NILOU DEL CARMEN)

36

Related posts

Leave a Comment