TARLAC – Tatlong drug personalities ang naaresto sa isang makeshift drug den kasunod ng isinagawang buy-bust operation noong Linggo ng tanghali sa Barangay San Joaquin sa lalawigan.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang P54,400.00 halaga ng umano’y shabu at mga gamit sa paggamit ng illegal na droga.
Kinilala ng PDEA Tarlac Provincial Office ang naarestong operator ng drug den na si alyas “Pepe”, 37-taong gulang.
Kinilala naman ang dalawa pang suspek na nahuli na sina alyas “Mar”, 49, at “Mimi, 52-taong gulang.
Nakumpiska ng mga operatiba ng anti-narcotics ang tinatayang 8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P54,400.00, iba’t ibang gamit sa paggamit ng droga, at ang perang ginamit sa buy-bust.
Ang nakumpiskang mga ilegal na sangkap ay ipadadala sa laboratoryo ng PDEA-3 para sa forensic examination.
Ang magkasanib na operasyon ay isang pinagtulungang pagsisikap sa pagitan ng PDEA Tarlac at Pampanga Provincial Offices, kasama ang lokal na pulisya.
Sasampahan ang naarestong mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(JESSE RUIZ)
94
