NANAWAGAN si dating Negros Oriental rep. Jacinto Paras kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, chair ng Senate Blue Ribbon Committee, na maging neutral at huwag masyadong “lawyering” sa administrasyong Marcos.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Paras na dapat manahimik si Lacson at tumuon sa kanyang trabaho, batay lamang sa aktwal na testimonya ng mga testigo at ipinrisintang ebidensya.
“He should reform himself at maging neutral, just keep quiet and stick to his work and base his statements on the actual testimony and evidence presented, rather than nakipagsapalaran ka — masyado kang halata na bata ka ni Marcos… Ping Lacson,” patutsada ni Paras, na dating Secretary of the President on Political Affairs ng administrasyong Duterte.
Giit ng dating mambabatas, malinaw na indikasyon ng mali ang pagbibitiw ng ilang miyembro ng gabinete. Aniya, maaaring hindi maabot ng Blue Ribbon Committee ang makabuluhang resulta dahil palaging hinahatulan agad ni Lacson ang mga testigo.
Samantala, ayon kay Atty. Manuelito Luna, dating Commissioner ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC), malakas na ebidensya ang inilabas ni Senator Imee Marcos laban sa kapatid na Pangulo dahil sa personal na relasyon.
Parehong nanawagan sina Luna at Paras na dapat magsakripisyo at bumaba ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa taumbayan, tulad ng ginawa ng kanilang ama, dahil ang higit na nagdurusa sa pagbagsak ng ekonomiya ay ang mamamayan.
“This is a serious matter. If they have delicadeza and urgency, let it go—taumbayan ang importante. If resignation is the only way to subside, so be it. If impeachment is the solution, so be it. If people power is the solution, so be it,” dagdag pa ni Luna.
(JOCELYN DOMENDEN)
107
