KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na patuloy ang pagsisid at paghahanap ng mga labi ng missing sabungeros sa Taal Lake, Batangas.
Apat na buwan mula nang simulan ang operasyon, iniulat ng DOJ na 57 bagong buto ng tao ang nadiskubre sa lawa. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, hanggang Martes, November 18, may panibagong kalansay na narekober, kasama na rin ang mga damit, underwear, at bahagi ng sako.
Bukod sa operasyon ngayong linggo, may iba pang narekober ang mga tauhan ng PNP-CIDG sa mga hiwalay na araw.
Sinabi rin na ayon sa whistleblower na si Julie Patidongan, ilang taon na ang nakalipas nang itapon ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero sa nasabing lawa.
Samantala, wala pa ring desisyon ang DOJ sa kaso laban kina Atong Ang, showbiz celebrity Gretchen Barretto, at iba pang akusadong itinuturong may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.
(JULIET PACOT)
65
