PNP READY SA 3-ARAW NA TRANSPORT STRIKE NG MANIBELA

IBINIDA ng Philippine National Police (PNP) ang full readiness nito para harapin ang tatlong araw na tigil-pasada ng transport group na Manibela simula ngayong December 9 hanggang 11.

Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sapat ang bilang ng mga tauhan at resources para tiyakin na mananatili ang kapayapaan at kaayusan sa gitna ng nationwide strike.

Inatasan na ni Nartatez ang mga police commander sa buong bansa na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya kaugnay ng epekto ng mass action.

Matagal nang inirereklamo ng Manibela ang umano’y sobrang taas na multa, mabagal na pagproseso ng dokumento, at ang patuloy na pag-obliga sa mga tsuper at operators ng mga unconsolidated PUV na kumuha pa ng provisional authority. Giit nila, dagdag pahirap ito habang sila ay hirap na sa penalty at delay sa proseso.

Magde-deploy ang PNP ng mga pulis sa transport hubs, pangunahing kalsada at apektadong ruta, habang maglalagay rin ng police vehicles para magbigay ng agarang saklolo sa mga commuter na posibleng mahirapan sa masasakyan.

(TOTO NABAJA)

81

Related posts

Leave a Comment