REP. BRIAN POE TAMPOK SA ICARE2025: Digitalization at Transparency sa Gobyerno, Tinalakay

QUEZON CITY – Tampok ngayong Martes, Dec. 9, sa Interdisciplinary Conference on Accountability, Reform, and Engagement 2025 o ICARE 2025 si FPJ Panday Bayanihan Party-List Rep. Brian Poe, kasama sina dating COA Commissioner Heidi Mendoza, Office of the Ombudsman Deputy Special Prosecutor Atty. Leila Bernadette Cabras, at UP NCPAG Professional Lecturer Dr. Edna Co, sa isang makabuluhang panel discussion tungkol sa accountability at transparency sa pamahalaan.

Sa kanyang pananalita, binigyang-diin ni Rep. Poe ang mga hamon na kinahaharap sa pagbabantay sa mga ginagawa ng pamahalaan. “One of the things that makes it so difficult for watchdogs to oversee what’s happening in government is there’s so many layers in bureaucracy they have to go through to understand what’s actually going on,” ani Poe.

Ayon pa sa kanya, isa sa mga solusyon sa problemang ito ang digitalization. “Digitalization is a good way to mitigate some of those problems,” paliwanag niya, at ibinahagi ang ilang hakbang ng gobyerno upang maging mas transparent, kabilang ang mga inisyatiba ng Department of Budget and Management (DBM) sa pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) at ang posibilidad na ilagay ang budget sa blockchain, “it’s in a ledger that’s open to the public and can be exchanged so it’s basically permanently there.”

Dagdag pa ni Poe, “Government is putting a big chunk of its budget towards digitalization because it’s one of the best ways for us to stop people from taking advantage of the grey areas that are available.” Binanggit din niya ang pangangailangan na dagdagan ang mga incentives para sa mga abogado na mahusay at may kakayahan, “so that we can hire the best and the brightest to safeguard our budget and hold people accountable for anomalous transactions.”

Samantala, ibinahagi rin ni dating COA Commissioner Heidi Mendoza ang kanyang pananaw sa tatlong pangunahing aspeto ng accountability: edukasyon, pagpigil, at pagpapatupad. Ayon kay Mendoza, mahalaga ang lifestyle check at maagang pag-audit upang maiwasan ang anomalya sa paggamit ng pondo. Binanggit niya ang mga halimbawa tulad ng flood control scam sa DPWH at ang kahalagahan ng pre-audit at tamang proseso sa mga barangay upang maiwasan ang pang-aabuso.

“We are teaching them what the process is, what the system is, so that people will learn to demand the right information,” ani Mendoza, na nagbigay diin sa pagpapaigting ng edukasyon at pagbuo ng kultura ng transparency sa kabataan.

Inihain ni Poe ang House Resolution No. 561 o ang resolusyon para sa paggunita ng International Anti-Corruption Day ngayong araw, December 9, 2025. Nakasaad sa nasabing resolusyon na muli nitong pagtitibayin ang matatag na paninindigan sa mas mabilis na pagpasa ng “anti-corruption enablers” kasama ang House Bill No. 1187 o ang Right to Know Act at ang House Bill No. 4489 oang National Blockchain Technology Adoption Act, bilang mga estratehikong kasangkapan upang mapatibay ang transparency at maiwasan ang manipulasyon ng datos ng pamahalaan. Kasama rin sa layunin nito ang pagpapalakas ng mga hakbang pambatas, at ang pagsuporta sa mga institusyong laban sa katiwalian sa pamamagitan ng sapat na mga mapagkukunan, kalayaan, at proteksyon laban sa pakikialam na pulitikal.

144

Related posts

Leave a Comment