2 TULAK ARESTADO SA MAHIGIT P1-M SHABU

CAVITE – Mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang big time tulak na kapwa nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (26) at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek na sina alyas “Arturo” at “Boss”, kapwa HVI.

Ayon sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa Ilang-ilang Street, Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang tinatayang 202 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,73,6000.00 at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

(SIGFRED ADSUARA)

77

Related posts

Leave a Comment