MANILA — Muling pinagtibay ni Senator Camille Villar, ang pinakabatang senador ng Ika-20 Kongreso, ang kaniyang matatag na pangako na isulong ang neurodiversity, sensory inclusion, at karapatan ng mga Pilipinong may invisible disabilities. Binigyang-diin niya na ang sensory safety ay hindi lamang usaping pangkalusugan kundi mahalagang karapatang pantao.
Pinangunahan ni Villar ang ribbon-cutting ceremony sa pagbubukas ng “iMvisible,” isang digital art exhibit na tampok ang talento ng 24 na neurodiverse artists, bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Disability Day.
Sa okasyon, binigyang-pansin ng senadora ang lumalawak na pakikipagtulungan sa mga advocacy groups at komunidad, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga lider na kumakatawan sa kanilang boses. “May mga lider na tulad ni Senator Camille Villar na kumakatawan sa amin,” ani isa sa mga kalahok.
Ang pangako ni Villar ay bahagi ng mas malawak niyang agenda sa mental health, accessibility, at public health. Kabilang dito ang kanyang mga panukalang batas para sa inclusive tourism para sa mga PWD at mga programang nagpapalakas ng mental health awareness—na lalo pang nagpapatibay sa reputasyon niya bilang isa sa pinaka-proactive na tinig sa Senado para sa sensory at neurodiversity inclusion.
(Danny Bacolod)
63 