MARCOS: HOUSING DAPAT MALAPIT SA TRABAHO AT SERBISYO

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na iprayoridad ang paghahatid ng de-kalidad na housing projects na matatagpuan malapit sa workplace, transport terminals, at mahahalagang serbisyong pampamahalaan.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagpulong sina Pangulong Marcos at DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, kasama ang iba pang opisyal ng ahensiya, nitong Lunes ng umaga upang repasuhin ang mga nagawa ng departamento at ang mga nagpapatuloy na pipeline programs.

“Ipinag-utos din ng Pangulo sa DHSUD na isulong ang flexible at abot-kayang housing options para sa low- at middle-income families, tulad ng rental housing at iba pang programa, pati ang mas pinasimpleng proseso para magkabahay,” ani Castro.

Dagdag pa niya, inatasan din ng Pangulo ang ahensya na gawing mas simple ang sistema ng pagbabayad upang mabawasan ang financial burden ng mga benepisyaryo.

Mula nang maupo sa pwesto, paulit-ulit nang binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagbibigay sa mga pamilyang Pilipino ng disente, abot-kaya, at de-kalidad na pabahay.

Bilang tugon, tiniyak ng pamahalaan ang commitment nitong paigtingin ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino at isulong ang inclusive growth sa pamamagitan ng maayos at makataong housing programs.

(CHRISTIAN DALE)

68

Related posts

Leave a Comment