16 PULIS SINIBAK SA INUMAN SA PRESINTO

KINUMPIRMA ni Region 8 Public Information Office chief, Police Lt. Col. Analiza Catilago-Armeza na sinibak sa pwesto ang 16 pulis mula sa Dolores, Eastern Samar Police Station.

Sa isinagawang phone interview ng mga reporter sa Camp Crame, 16 na pulis ang sinibak kabilang ang kanilang hepe, na may ranggong Police Captain, matapos na mag-inuman sa loob ng presinto noong Disyembre 15.

Ayon kay Armeza, Christmas Party ng mga pulis noong Disyembre 15 at nagkaroon ng inuman habang naka-duty at napag-alaman na naroon din mismo ang kanilang hepe.

Sa ngayon, nasa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) ang nasabing mga pulis habang patuloy na iniimbestigahan ang nasabing insidente.

Ang pag-inom na alak ay mahigpit na ipinagbabawal ng PNP sa lahat ng istasyon ng pulisya, naka-duty man o hindi.

Inaalam pa kung ano ang pananagutan at kasong administratibo na isasampa sa sangkot na mga pulis.

(TOTO NABAJA)

141

Related posts

Leave a Comment