5 TULAK ARESTADO SA P.4-M SHABU SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) at street level individuals (SLIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi.

Hawak ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Amo”, “Sherry”, kapwa nasa listahan ng HVIs; alyas “Joel”, “Nervin” at “Carla”, pawang nasa listahan ng SLIs.

Ayon sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Cavite Police Provincial Office (PPO) sa Brgy, Anabu 1-E, Imus City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nasamsam sa kanila ang humigit-kumulang 67 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P455,600.00.

(SIGFRED ADSUARA)

73

Related posts

Leave a Comment