SINIGURO ni Public Works Secretary Vince Dizon na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay magpapatupad ng mga proyektong imprastruktura na may “kalidad” sa susunod na taon.
Sinabi ng kalihim, ang bawat proyekto ng ahensya — tulad ng mga tulay, kalsada, at ospital — ay magkakaroon ng tamang presyo nang hindi nakokompromiso ang kalidad at kaayusan nito.
Binanggit ni Dizon ang ilang mga proyekto na gagawin nilang modelo sa susunod na taon, kabilang ang kamakailang pagtatapos ng Piggatan Detour Bridge sa Alcala, Cagayan, na natapos lamang sa loob ng 60 araw; ang pag-aayos ng nasirang Cebu Provincial Hospital sa Bogo City, Cebu, kasama ang pag-install ng mga tolda at bahay para sa mga biktima ng lindol; at ang pagsasaayos ng mga gusali ng paaralan sa Masbate na nasira ng kamakailang Bagyong Opong.
Kasama rin sa mga proyekto ang gumuho na bahagi ng Bukidnon-Davao Road (BuDa Road) sa Sitio Kipolot, Quezon, Bukidnon, na inaasahang matatapos bago ang Enero 6, at ang San Juanico Bridge sa Tacloban City na kamakailan ay bahagyang binuksan sa mabibigat na mga sasakyan.
(JOCELYN DOMENDEN)
99 