Nagsagawa ang Manila Electric Company (Meralco) ng wire clearing operations sa Quiapo, Maynila bilang paghahanda sa Pista ng Hesus Nazareno sa ika-9 ng Enero 2026 kung saan inaasahang dadagsa ang milyun-milyong deboto.
Makikita ang isinagawang operasyon ng Meralco para maisaayos ang mga nakalaylaylay na kable sa bahagi ng Arlegui Street. Sinuri rin ng kumpanya ang mga poste at kable sa ruta ng prusisyon.
“Dinadaluhan ng milyun-milyong Pilipino ang taunang Traslacion sa Quiapo, kaya aktibong nakipagtulungan ang Meralco sa local na pamahalaan ng Maynila at mga telco at cable service providers para masigurong maayos at ligtas ang dadaanan ng andas na sakay ang imahe ng Hesus Nazareno,” ayon kay Meralco Vice President at Corporate Communications Head Joe R. Zaldarriaga.
Regular na isinasagawa ng Meralco ang wire clearing operations sa loob ng kanilang franchise area upang mapanatili ang pampublikong kaligtasan at masiguro ang kalidad ng serbisyong hatid nito sa mga customer.
127
