SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) sa loob ng 90 araw ang driver’s license ng isang motorcycle rider na nahuling nanunutok ng kutsilyo sa gitna ng isang road rage incident na nag-viral sa social media.
Ayon sa LTO, malinaw na paglabag sa batas at banta sa kaligtasan ng publiko ang pagdadala at paggamit ng anomang uri ng patalim sa kalsada.
“Ang paggamit ng patalim sa lansangan ay isang malinaw na banta sa buhay at kaligtasan ng lahat. Walang lugar ang road rage sa ating mga kalsada,” pahayag ni LTO Chief Markus Lacanilao.
Bukod sa rider, sakop din ng show-cause order ang may-ari ng motorsiklo. Pareho silang inatasang humarap sa LTO Intelligence and Investigation Division sa Quezon City sa Enero 21.
Ipinatawag din ng LTO ang rider kaugnay ng isa pang nag-viral na video call habang nagmamaneho, na isa ring paglabag sa batas-trapiko.
(PAOLO SANTOS)
51
