5 TAON TOURISM ROADMAP NG ASEAN TUTULAK SA REGIONAL TRANSFORMATION

PORMAL nang nilagdaan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang limang taong successor tourism blueprint upang palakasin ang regional cooperation at transformation pagkatapos ng pandemya.

Inilunsad noong Enero 29 sa Cebu, ang ASEAN Sectoral Plan (ATSP) 2026-2030 ay pumalit sa ATSP 2016-2025, kung saan ang Pilipinas ang Lead Country Coordinator sa pagbuo ng plano.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, ang plano ay magiging framework para sa sustainable tourism development ng rehiyon mula 2026 hanggang 2030.

Nilalaman nito ang limang pangunahing aspeto: resilient tourism, empowerment ng tourism workforce, accessible travel, digital tourism, diversification ng produkto, at sustainable tourism.

Binanggit ni Frasco na ang plano ay layong gawing isang unified tourism destination ang ASEAN at gawing mas madali ang pag-access sa rehiyon sa pamamagitan ng air at sea travel.

Dagdag niya, tututukan din ang pagpapabuti ng connectivity ng mga ruta, pagpapalawak ng cruise tourism, at pagsugpo sa overtourism upang mapanatili ang natural na yaman ng mga destinasyon. Bibigyang-pansin din ang kultura, pamana, gastronomya, at community-based tourism enterprises.

Sa pamamagitan ng ATSP, magpapatuloy ang pagtutulungan ng ASEAN member states sa human capital development, training sessions, at pagpapalitan ng best practices upang mapanatili ang kabuhayan ng tourism workers.

Magkakaroon din ng sports tourism circuits upang mag-alok ng world-class na karanasan sa rehiyon.

(JOCELYN DOMENDEN)

2

Related posts

Leave a Comment