ILANG KABAHAYAN NASUNOG SA LAS PIÑAS

NILAMON ng apoy ang ilang kabahayan sa Balete St., Barangay Ilaya, Las Piñas City kahapon ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection–Las Piñas, bandang alas-2:05 ng hapon nagsimula ang sunog sa isang residential house na yari sa kahoy at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga bumbero, idineklara ang sunog na fire under control dakong alas-4:49 ng hapon.

Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog. Ayon sa ilang residente, nakaamoy umano sila ng nasusunog na kable bago tuluyang magliyab ang apoy. Inaalam pa rin ang halaga ng pinsala.

(CHAI JULIAN)

4

Related posts

Leave a Comment