NANLOOB SA EGGS AND CHICKEN SUPPLIER NABARIL

CAVITE – Naka-hospital arrest ang isang hinihinalang akyat-bahay nang barilin ng isang negosyante makaraang tangkain nitong pagnakawan ang isang establisyementong nagsu-supply ng mga itlog at manok sa Bacoor City noong Linggo.

Nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog District Hospital ang suspek na si alyas “Ryna”, 30, binata, ng Talaba 1, Bacoor City, Cavite dahil sa tama ng kalibre .40 Glock 27 Gen 5, mula sa complainant na si alyas “Roberto”, 54, negosyante ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat, pinasok ng suspek ang DK PRO DUCK na matatagpuan sa Tirona Highway, Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite bandang alas-7:00 ng umaga at nang makapasok ay tinangay nito ang cable wires ng establisyemento, pero nakita siya ng negosyante kaya tumakbo at umakyat sa bubong ng establisyemento pero hinabol siya.

Tinangkang saksakin ng suspek ang negosyante dahilan upang gumanti ang complainant at binaril ito.

Nakuha sa suspek ang dalawang kutsilyo, 2 fliers, tsinelas, green na bag na naglalaman ng mga kable na kanyang tinangay at apat na basyo ng kalibre .40 mula sa ginamit na baril.

Boluntaryo namang isinurender ng negosyante ang ginamit na baril na isang caliber 40 Glock 27 Gen 5 at isang magazine nito.

(SIGFRED ADSUARA)

1

Related posts

Leave a Comment