TARGET ni KA REX CAYANONG
MASASABING hindi lamang mga bulaklak at matatamis na salita ang tunay na diwa ng Pebrero.
Sa mas malalim na pag-unawa, ito ay buwan ng malasakit—sa pamilya, sa kapwa, at higit sa lahat, sa komunidad na ating pinaglilingkuran.
Ito ang mensaheng malinaw na inihahatid ni Hon. Presley De Jesus, Deputy Minority Leader at kinatawan ng PhilRECA Party-list.
Sa kanyang Solidarity Message para sa Pebrero 2026, iginiit niya na ang pag-ibig ay hindi lang nadarama, ito ay isinasabuhay sa pamamagitan ng pagkilos at serbisyo.
Sa panawagang makiisa sa Lakad-Takbo 2026, ipinakita ni De Jesus ang uri ng pamumunong may konkretong direksyon.
Hindi ito simpleng aktibidad pampalakasan, kundi isang makabuluhang hakbang upang itaguyod ang kalusugan, palakasin ang pagkakaisa, at pagtibayin ang ugnayan ng mga electric cooperative at ng mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
Sabi nga, sa panahong hamon ang kalusugan at pagkakaisa ng bansa, ang ganitong inisyatibo ay malinaw na patunay ng pamumunong may malasakit at malas sa kapakanan ng nakararami.
Higit pa rito, nananatiling matatag ang paninindigan ng PhilRECA Party-list sa pagsusulong ng mga adbokasiyang tunay na mahalaga sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino—ang maaasahan, sapat, at abot-kayang suplay ng kuryente.
Kaya sa likod ng bawat ilaw na nagbibigay-liwanag sa mga tahanan, paaralan, at ospital, ay ang electric cooperative workers na patuloy na nagsasakripisyo.
Ang pagkilala at pagtatanggol sa kanilang kapakanan ay nagpapakita ng lideratong hindi nakalilimot sa mga tunay na “Warriors of Light.”
Ang paniniwala ni De Jesus na ang kuryente ay hindi luho kundi isang pangunahing serbisyo ay isang paninindigang dapat ipagmalaki.
At sa pagsusulong ng patas at de-kalidad na serbisyong elektrisidad hanggang sa pinakamalalayong sulok ng bansa, kanyang pinatitibay ang ideya na ang tunay na pag-unlad ay inklusibo—walang naiiwan, walang napagkakaitan.
6
