70 PULIS SA BASILAN SIBAK SA HAZING

SINIBAK sa kanilang pwesto ang nasa 70 pulis na mga miyembro ng Regional Force Battalion 14B sa Lamitan, Basilan.

Ito’y kasunod na diumanoy hazing sa reception rites sa mga bagong pulis na nag-viral sa social media ang larawan at video.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano, sibak sa pwesto ang 70 mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion-14B kasama na ang 12 mga pulis na direktang sangkot sa pangmamaltrato sa mga bagong pulis na kaka-graduate lang sa basic internal security training.

Ang nasibak na mga pulis ng RMFB-14A ay pinalitan naman ng RMFB-14A.

Sa ngayon, ikinustodiya ng Regional Personnel Records Management Division – Regional Police Holding and Accounting Section sa Parang, Maguindanao del Norte, ang mga pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Samantala, inihahanda na ang mga kasong administratibo at kriminal na isasampa laban sa sangkot na mga pulis.

(TOTO NABAJA)

33

Related posts

Leave a Comment