DRIVER PATAY, ANGKAS KRITIKAL SA TANDEM NA LASING

CAVITE – Nasawi ang driver habang inoobserbahan ang angkas nito nang bumangga sa gutter ang minamanehong motorsiklo sa Trece Martires City noong Miyerkoles ng gabi.

Kapwa Isinugod sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Hugo”, driver ng motorsiklo, at angkas nitong si alyas “Kael” subalit idineklarang dead on arrival ang una dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:37 ng gabi nang mangyari ang insidente kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang angkas si Kael at binabagtas ang kahabaan ng Hugo Perez-Cabeza Road, La Paz Subdivision.

Ngunit pagsapit sa isang palikong bahagi ng kalsada at dahil sa mabilis na pagpapatakbo ay rumampa ito sa gutter dahilan upang tumilapon ang dalawa.

Tumama ang driver ng motorsiklo sa isang puno habang ang kanyang angkas ay tumilapon sa kalsada.

Kapwa isinugod ang dalawa sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ang driver habang inoobserbahan pa ang angkas nito.

Lumabas din sa imbestigasyon na parehong nakainom ang dalawang biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

3

Related posts

Leave a Comment