NASAWI SA MV TRISHA KERSTIN 3, UMAKYAT SA 58

UMAKYAT na sa 58 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lumubog MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island, Basilan.

Sa pinakahuling update, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na 293 naman ang bilang ng kabuuang survivors at mayroon pa ring 21 indibidwal na nanatiling nawawala.

Binibigyang-diin ng PCG, ang mga bilang na ito ay mula sa pinagsama-samang datos mula sa Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at mga apektadong pamilya na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang mahanap ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nitong Pebrero 17, nagpapatuloy pa rin ang search and rescue at dive operations ng PCG technical team upang mahanap ang nawawalang mga pasahero o indibidwal.

(JOCELYN DOMENDEN)

16

Related posts

Leave a Comment