(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
HINDI pinalampas ng mga netizen ang pahayag ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson kamakalawa na malaking kawalan umano para sa Senado sakaling maaresto sina Sen. Bato dela Rosa at Sen. Bong Go kaugnay ng kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte na crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Kasunod ito ng pagtukoy ng ICC sa dalawang senador bilang “co-perpetrators” o kasabwat umano ni Duterte sa nangyaring pagpatay sa mga drug suspect.
Dahil sa nasabing pahayag ay nakatikim ng batikos si Lacson. Kontra rin ang mga netizen na sabihing kawalan sina Bato at Go dahil wala naman anilang ‘ambag’ ang mga ito para mapabuti ang Senado.
Sa gitna ng matinding batikos, agad naglabas ng paglilinaw si Lacson.
Aniya, ang legal na proseso sa Pilipinas ang kanyang pinoprotektahan hindi sina Dela Rosa at Go.
“What I am protecting is our country’s legal processes as enshrined in Article III Section 2 of the 1987 Constitution, not Senators Ronald dela Rosa and Bong Go,” ani Lacson.
Kung may arrest warrant aniya mula sa ICC o sa isang dayuhang hukuman, dapat itong dumaan sa ating lokal na korte, na siyang maglalabas ng kaukulang kautusan para ipatupad ang arrest warrant ng dayuhang entity.
Sa kabila nito, patuloy na tumalak ang mga netizen at kinastigo si Lacson, maging sina Go at Dela Rosa. Narito ang ilan sa mga mababasang komento sa X:
Ricky:
Sa mga impending arrests for Jinggoy, Joel, and Chiz by the local courts plus Bato and Bong Go baka manumbalik ng konti ang integridad at dignidad ng senado. Hindi sila malaking kawalan bagkus makahihinga ang taong bayan dahil mababawasan ng KORAP ang senado. @iampinglacson
PJavi:
Okay ka lang Ping Lacson? 2 BOPOL sa Senado na sine serve Duterte at China at Hindi mga Pinoy kawalan sila sa Senado? Hiyang hiya naman kami noong wala kayong ginawa laban sa pagdakip at pagkulong kay Cong De Lima noong Senadora siya sa mga Trump up charges na gawa gawa ni Dugong
AkoAyPilipino:
Big Loss? Hahaha, are you kidding us?
The correct statement is that, it’s a Big Win for the people.
Isama nyo na si Robinhudlum, tsaka yung natitira pang Tsinadors na Cayetano at Marcoleta. Tsaka yung Ate Traydor.
We should not allow them to rule us if they betray the people
Jay:
Anong mandate pinag sasabi mo eh nakatago nga eh, di nagtatrabaho.
Duwag protecting fellow duwag. Personal interes nyo lng kamo iniisip nyo, di ang taong bayan
Mil:
Hinde kawalan ang dalawang ddshits na yan! Pabor pa nga sa madlang pipol kung mawala sa senado ang mga taga-himod ng pwet ni dutertae na yan kasi makakatipid ang gobyerno sa sweldo ng dalawang yan pati sweldo ng pamilya nilang nagtatrabaho kuno sa senado!
Toni:
Matagal nang lugi ang Pilipino sa dalawang de punggal na yan
MrsHan:
Anong kawalan kay dumb and dumber?
Paki-explain.
Also, they are not above the law as senators. They have to face the charges. Gagawa gawa ng krimen tapos magtatago
Dayunyor:
Malaking kawalan?
Malaking kawalan ng tax gawa ng mga walang silbi!
Fe Ç:
Alam mo kung ano ang nakakabahala, Ping? Nakakabahala na patuloy silang pinapasweldohan natin samantalang sila ay mga halang ang bituka, dapat lang na pagdusahan nila ang mga kasalanan nila! To naman si Ping eh.
Teresita:
Sen Ping. Wag mo po siraan ang tiwala ng bayan sa Inyo. Gawin ninyo ang nararapat para sa bayan. Di sila kawalan sa atin. Tagumpay iyan ng tao.
Salvacion:
Akala ko ha itong c Lacson ay sensible at sa tama lang aba eh hindi pala! Good riddance pa nga ang dalawang senador na to dahil useless lang naman sila sa Senado! Ano ba Lacson?? Make up your mind kasi hinding hindi cla kawalan! Mas masaya kung wala ang dalawang ito!!
Juan:
Komedyante pala si Ping Lacson. Maganda nga yan mababawasan ang pasasahurin namin na walang silbi sa bayan. Mga Dudirty lang ang pinagsisilbihan nila. @senatePH
ARA:
Dami mong sinasabi ping lacson!
Kung arestuhin mga yan, in the name of justice yan. Hindi kawalan ang pagbibigay hustisya sa mga biktima!
Parang KONTRABIDA pa ngayon ang hustisya, mga punyemas!!
B:
Bakit pa-prutas na rin itong si Sen. Ping? Balimbing yern? Or pa-non-biodegradable na? Plastic?? Haha gulo-gulo niyo sa Senado! IKULONG LAHAT NG KURAKOT!!!
CHASE:
NO WORK NO PAY – MAKATIPID ang SENATE. Hanapan ng paraan na ANG MOOE nila ay mapunta sa SAVINGS
Margaret:
Anong kawalan ito nmang c Pinky kakalito ang tunay na kulay !!!!!
PH:
Yan ka na naman sen ping e.
Paanong kawalan e hindi naman nagtratabaho mga yan, puro interest ni digong at sarili nila ang tinatrabaho
baby:
Di naman sila malaking kawalan sa senado dahil hindi naman ramdam ang kanilang presensya sa senado atleast mabawasan ng pasweldo ng dalawang senador
16
