NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng special non-working days sa anim na lugar upang payagan ang mga residente na makalahok sa kanilang lokal na pagdiriwang.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1162 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, idineklara ang Marso 20 bilang special non-working day sa City of San Fernando, La Union para sa founding anniversary nito.
Sa Proclamation No. 1164, Marso 10 naman ang special non-working day sa Tanauan City, Batangas para sa 25th cityhood anniversary nito.
Kaparehong araw din ang idineklara sa Norala, South Cotabato sa ilalim ng Proclamation No. 1165 para sa founding anniversary.
Sa Proclamation No. 1166, Marso 13 ang special non-working day sa Bauko kaugnay ng Begnas di Bauko Festival, isang thanksgiving celebration para sa masaganang ani.
Sa Proclamation No. 1167, Marso 18 naman ang special non-working day sa buong lalawigan ng Masbate para sa ika-125 founding anniversary nito.
Habang sa Proclamation No. 1168, Marso 16 ang special non-working day sa Aguilar, Pangasinan para sa Ansakket Festival, na naglalayong magpasalamat sa masaganang ani at itampok ang kanilang tanyag na delicacy na gawa sa glutinous rice.
(CHRISTIAN DALE)
17
