MAGKIKITA sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Naga Mayor Leni Robredo sa Sabado, Pebrero 21, para sa implementasyon ng Oplan Kontra Baha sa siyudad.
Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na personal na bibisitahin ng Pangulo ang flood mitigation measures sa lungsod.
“Busy po ngayon ang DPWH sa paglilinis ng mga kanal at estero sa Naga City. ‘Yan po ang bibisitahin ng Pangulo at makakasama niya po ang Mayor Leni Robredo,” ani Castro.
Wala naman umanong impormasyon kung pag-uusapan ng dalawa ang anomang political plans para sa 2028 elections.
(CHRISTIAN DALE)
9
