PA: COURT MARTIAL VS MONGAO ‘DI PARA PATAHIMIKIN KASUNDALUHAN

NILINAW ni Philippine Army commanding general Antonio Nafarrete na ang aksyon laban kay Col. Audie Mongao ay hindi layong patahimikin ang hanay ng kasundaluhan.

“We have standards as part of the military organization,” aniya.

Kasabay nito ay tiniyak ng opisyal na mabibigyan ng patas na paglilitis si Mongao.

Matatandaang isinalang sa general court martial si Mongao matapos ang kontrobersyal na pahayag nito ng pag-withdraw ng suporta sa administrasyong Marcos Jr.

Kinumpirma ni Nafarrete na tapos na ang imbestigasyon at inihahanda na ang proceedings.

“He is already here for general court martial. We are preparing for it,” ani Nafarrete.

Posibleng maharap ang opisyal sa paglabag sa Article of War 63 o “disrespecting the President,” matapos kumalat sa social media ang screenshot ng umano’y mensahe nito na nagsasabing, “Sobra na, tama na! The Filipino people is worth fighting for. Mabuhay!”

Sa kasalukuyan ay nasa attached/unassigned status si Mongao matapos sibakin sa pwesto.

(JESSE RUIZ)

8

Related posts

Leave a Comment