NAGHAIN ng reklamong cyberlibel at unjust publication ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa vlogger na si Jack Argota sa Department of Justice (DOJ).
Kaugnay ito ng umano’y pagpapakalat ni Argota ng pekeng medical records ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa social media.
Noong nakaraang linggo ay ipinatawag ng NBI si Argota upang magpaliwanag hinggil sa isyu.
Bukod kay Argota, nauna nang inireklamo ng NBI ang dating broadcaster na si Jay Sonza at social media personality na si Eric Celiz dahil din sa umano’y pagpapakalat ng maling medical information laban sa Pangulo.
(JULIET PACOT)
1
