SPEAKER DY, ALIN ANG MAS MABIGAT? MAGBIRO O MAY KASONG HINAHARAP?

BALITANG ‘DI KANAIS-NAIS 

HINDI sa kinakampihan natin itong si Quezon City 4th Dist. Congressman Bong Suntay sa naging pagbibiro niya tungkol sa “pantasya” sa wikang Pinoy at “imagination” sa salitang banyaga hinggil sa “beautiful” actress na si Anne Curtis na nakasalubong umano niya sa isang mall.

Masyado lang binigyan ng malisya ng mga mambabatas ang ginawang pagbibiro ni Cong. Suntay, ayun sinita tuloy siya ng House Committee on Justice at natabunan ang mas mabigat na usapin tulad ng impeachment na kinahaharap ni VP Sara Duterte.

Pero hindi ang pagbibiro ni Cong. Suntay ang laman ng pitak na ito kundi sa isang tauhan ni House Speaker Bojie Dy na hindi pagbibiro ang kinakaharap kundi kasong sexual abuse na hindi lang daw isang beses kundi dalawa sa dalawa ring babae.

Kaya nais tanungin ng mga mahilig magpantasya itong si House Speaker Bojie Dy kung alin ang mas mabigat, ang magbiro o iyong may totoong kinakaharap na pang-aabuso sa kababaihan?

Hindi tuloy maalis sa isipan ng mga taga-House of Representatives na kunsintidor ka sa iyong mga tauhan na kahit may kaso eh tuloy sa pamamayagpag at ibinigay mo pa ang isang sensitibong puwesto.

Para sa kaalaman mo Speaker Dy, iyang tauhan mo na iyan ay may kasong sexual abuse at nabigyan lang ng pansamantalang kalayaan ng Manila RTC at hindi lang isa kundi dalawang insidente.

Ang pinaka latest ay nang mag-shepherd umano ito sa mga reporter para sa Team Unity at naganap ang sexual abuse sa loob ng isang taxi, at ‘yung isa naman ay nagsasawalang kibo na lang dahil hawak na ng korte ang kaso.

Speaker Dy sir, kung hindi mo alam ang kinahaharap na kasong sexual abuse ng iyong ‘trusted man’ pagdating sa ayusan eh mas mabuting kausapin mo kung totoo o hindi dahil kaladkad ang iyong magandang liderato.

Speaker Dy, ang pitak na ito ay nagmamalasakit lang sa maganda mong performance sa Kongreso, baka kasi ang isang tauhan mong may kaso ang maglaglag sa iyong ginagawang mabuti para sa taumbayan.

Hanggang sa muli mga Ka Balitang di Kanais Nais. (CB)

147

Related posts

Leave a Comment