PINANGUNAHAN ni Sen. Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, ang pagdinig kasama ang Department of Migrant Workers upang talakayin ang isang resolusyon hinggil sa katayuan, kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa mga bansa sa Gitnang Silangan sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.
Kabilang sa tinalakay ang proteksiyon at kahandaan ng pamahalaan sa posibleng pagpapauwi ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa, gayundin ang epekto sa ekonomiya at seguridad ng sigalot na kinasasangkutan ng United States, Israel at Iran.
Tinalakay rin ng mga mambabatas ang mga hakbang na pang-emerhensiya bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis at implasyon na dulot ng krisis sa rehiyon ng Golpo.
(DANNY BACOLOD)
110 