AABOT sa 1,009 na pugante, suspek at wanted person ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa buong bansa noong buwan ng Pebrero.
Bukod sa mga naaresto, nakasamsam din ang ahensya ng 137 loose firearms, 28 pampasabog, 121 assorted magazines, at 1,541 rounds ng live ammunition.
Tinatayang mahigit ₱851 milyong halaga ng mga ebidensya ang nakumpiska ng ahensya sa isinagawang mga operasyon.
Ayon sa CIDG, matagumpay rin ang kanilang crackdown at pagsasara ng mga operasyon ng ilegal na sigarilyo sa ilang lugar kabilang ang San Fernando, San Simon, Apalit at Zamboanga.
Tiniyak ng CIDG na patuloy nilang ipatutupad ang batas, magsasagawa ng masusing imbestigasyon at magsasampa ng mga kaso upang matulungan ang mga biktima na makamit ang hustisya.
(TOTO NABAJA)
108 