GRUPO NG BFP RETIREES SUPORTADO PAGLILINIS SA KANILANG HANAY

SA kabila ng mga alegasyon ng katiwalian, nagpahayag ng suporta ang Bureau of Fire Protection Retirees Association of the Philippines, Inc. (BFPRAPI) kay BFP chief F/Director Jesus Fernandez sa gitna ng mga pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Sa isang liham, pormal na ipinahayag ng BFPRAPI ang buong suporta nito sa kasalukuyang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at sa nagpapatuloy na internal reforms, habang nananawagan din ng patas na pagkilala sa todo-todong kampanya ng ahensya upang linisin ang sarili nitong hanay.

Ayon kay BFPRAPI president, retired Colonel Agapito Nacario, bagaman matatag ang paninindigan ng organisasyon sa misyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na puksain ang katiwalian sa pamahalaan, sinusuportahan din ng mga retiradong bumbero ang kasalukuyang pamunuan ng BFP sa ilalim ni Fernandez.

Kasalukuyang nahaharap si Fernandez sa malaking hamon matapos ihayag ni Remulla ang planong pagsasampa ng mga kasong administratibo at kriminal laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Samantala, sinabi ni Nacario na ang mga kamakailang pagsaway sa publiko ay nagdulot umano ng demoralisasyon sa loob ng hanay ng Bureau.

“The recent public rebukes have caused significant demoralization within the ranks. Worse, the children of firefighters are reportedly facing bullying in schools due to this ‘shame campaign.’ This must stop. The majority of our firefighters remain committed to integrity, transparency, and accountability,” ani Nacario.

Binigyang-diin din ng grupo ang aktibong pagpapatupad ng “Oplan Santindig,” na pinaigting ng kasalukuyang pamunuan ng BFP upang hikayatin ang publiko na magsumbong laban sa mga recruitment scam at extortion activities.

(PAOLO SANTOS)

115

Related posts

Leave a Comment