FRASCO TAGILID NA SA DOT

SA gitna ng mga batikos, sinabi ng Malacañang na patuloy pang ini-enjoy ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Gayunman, nagpahiwatig si Claire Castro, Palace Press Officer at undersecretary ng Presidential Communications Office, na posibleng may anunsyo sa Malacañang ngayong araw.

“Malamang bukas ay mayroon tayong announcement,” ani Castro sa press briefing.

Nang tanungin kung may pagbabago sa liderato ng Department of Tourism, sagot niya: “Puwedeng oo, pwedeng hindi. Magbibigay kami ng announcement tomorrow.”

Hindi rin niya kinumpirma kung si Commercial Counselor Dita Angara-Mathay ang ipapalit kay Frasco.

“As we speak, walang balasahan. Kapag may ibinaba na anunsyo, ibibigay namin agad sa inyo,” ani Castro.

Matatandaang umani ng batikos si Frasco matapos mapansin ang madalas na paglabas ng kanyang imahe sa tourism promotional materials ng ahensya.

Isa sa pumuna rito si Sen. Raffy Tulfo na nagsabing may natanggap siyang reklamo na tila ginagamit ang tourism materials para sa self-promotion.

Ayon kay Tulfo, mas nararapat na nakatuon ang mga materyal sa mga destinasyon, pagkain, kultura at wellness tourism ng bansa.

(CHRISTIAN DALE)

93

Related posts

Leave a Comment