PATAY ang isang lalaki habang nalagay rin sa panganib ang buhay ng nagsilbing witness sa pamamaril sa Gen. Trias City, Cavite kamakalawa ng hapon.
Dead on the spot ang biktimang si alyas “Rod,” habang isinugod naman sa ospital si alyas “Jiian” matapos tamaan ng bala sa katawan.
Sa ulat, naglalakad si Rod sa Section H Alley, Tropical Village, Brgy. San Francisco bandang alas-1:12 ng hapon nang biglang lapitan ng dalawang suspek na kinilalang sina alyas “John” at “Wewe” at walang sabi-sabing pinagbabaril.
Papatakas na ang mga suspek nang makita sila ni Jiian, dahilan para siya rin ay pagbabarilin at tamaan sa kaliwang balikat.
Patuloy ang backtracking ng pulisya sa CCTV upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at alamin ang motibo sa krimen.
(SIGFRED ADSUARA)
105 