AYUDA SA HIGIT 5M MINIMUM WAGE EARNERS INAARAL PA

PAG-AARALAN pa ng Palasyo ang mungkahing magbigay ng P5,000 ayuda sa mga manggagawang tumatanggap ng minimum wage.

Ito’y sa gitna ng patuloy na mataas na presyo ng langis at banta ng dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin.

Una nang iminungkahi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na isama sa makatatanggap ng ayuda ang mahigit 5 milyong minimum wage earners sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, pag-aaralan pa ito ng pamahalaan, ngunit uunahin muna ang mga tsuper na pangunahing apektado ng oil price hikes.

Tiniyak din ng Palasyo na patuloy ang hakbang ng gobyerno para matulungan ang iba pang sektor.

Samantala, ipinauubaya na sa Department of Trade and Industry (DTI) ang detalye kaugnay sa planong price increase ng ilang manufacturers.

(CHRISTIAN DALE)

60

Related posts

Leave a Comment