Dinumog ng mga bingo players ang bagong-renovate na CF Angeles para sa ₱1K for ₱2M” nationwide linked bingo ng PAGCOR noong Marso 29.
Nasolo ng 76-anyos na retirado at suki ng Casino Filipino Olongapo ang Php2 milyong jackpot sa “₱1K for ₱2M” nationwide linked bingo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong Linggo, Marso 29, sa CF Angeles, Pampanga.
Sabay-sabay na nilaro ang bingo sa mga CF branches sa Bacolod, Cebu, Fuente, Grand Regal, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Olongapo, at Tagaytay, pati na rin sa ilang partner bingo venues tulad ng Bingo Bee Malabon, NUSTAR Resort and Casino, Okada Manila, at Winford Resort and Casino.
Sabay-sabay na nilaro ang bingo sa CF Angeles at iba pang sangay, kasama ang ilang bingo beneficiary venues.
Umabot sa Php2.9 milyon tax-free ang ipinamigay sa 10 regular games, at may karagdagang Php600,000 para sa warm-up, speedy, at U Pick ‘Em 8 rounds.
Binati ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco ang mga nanalo sa bingo, na nanatiling patok sa mga Pilipino.
congratulates our solo jackpot winner from CF Olongapo and all players who won prizes during the games. We also extend our gratitude to everyone who took part in this event,” ani G. Tengco.
“Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa nationwide linked bingo event ng PAGCOR. With winners emerging from different participating venues, this event highlights the nationwide reach of our linked bingo event,” dagdag niya.
Pinasaya ng performances nina Elaiza Arnaiz, Rey Lim, Playback Duo, at Go Girls Dancers ang mga manlalaro sa ₱1K for ₱2M” nationwide linked bingo ng PAGCOR noong Marso 29.
Nagpasaya sa event ang mga performers ng CF Angeles na Playback Duo at Go Girls Dancers, at mga singers na sina Elaiza Arnaiz at Rey Lim.
Inanunsyo ng PAGCOR na gaganapin muli sa CF Angeles ang susunod na “₱1K for ₱2M” nationwide linked bingo na itinakda sa Hunyo 14, 2026.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.casinofilipino.ph o i-follow ang Casino Filipino sa Facebook.
119 


