NANAWAGAN si Department of National Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. sa mga Pilipino na “piliin ang Republika” sa gitna ng mga hamon ng bansa.
Ito ay kanyang sinabi sa wreath-laying ceremony sa Libingan ng mga Bayani bilang bahagi ng ika-84 na Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week.
“Hindi tayo pwedeng tumiklop sa harapan ng mga interes ng ating bansa,” diin ni Teodoro.
Binigyang-diin din ng kalihim ang kahalagahan ng pagpapalakas ng bansa upang makasabay sa ibang mga bansa at hindi “pagtulak-tulakan” sa pandaigdigang entablado.
Kasabay nito, patuloy ding pinararangalan ang mga beterano sa pamamagitan ng pagpapabuti ng serbisyo tulad ng modernisasyon ng Veterans Memorial Medical Center.
Sa hiwalay na programa sa Fort Bonifacio, pinuri rin ng mga opisyal ng militar at pamahalaan ang kabayanihan ng mga beterano bilang inspirasyon sa kabataan at sa patuloy na pagtatanggol sa kapayapaan.
(JESSE RUIZ)
63 