MAS pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kampanya laban sa child labor sa ilalim ng Philippine Program Against Child Labor (PPACL).
Layunin ng programa na wakasan ang sapilitang pagtatrabaho ng mga bata at matiyak ang kanilang access sa edukasyon at proteksyong panlipunan.
Mula 2022 hanggang 2024, bumaba ang bilang ng child laborers mula 828,000 sa 509,000, habang mahigit 232,000 bata ang nailayo sa mapanganib na trabaho.
Sa ilalim ng Project Angel Tree, higit 59,000 bata ang nabigyan ng tulong tulad ng pagkain, damit at school supplies.
Samantala, mahigit 47,000 magulang ang nakatanggap ng kabuhayan starter kits upang maiwasan ang pagbabalik ng kanilang mga anak sa child labor.
Patuloy na nakikipagtulungan ang DOLE sa iba’t ibang sektor upang palawakin pa ang kampanya at masiguro ang pangmatagalang solusyon laban sa child labor.
(JOCELYN DOMENDEN)
62 