FA-50PH, SUMABAY SA F-22 NG US SA JOINT AIR DRILL

NAKIPAGSABAYAN ang mga piloto ng Philippine Air Force (PAF) gamit ang FA-50PH fighter jets sa F-22 Raptors ng Estados Unidos sa isinagawang joint flight operation sa Pampanga.

Isinagawa ang aktibidad kasama ang United States Pacific Air Forces (PACAF) bilang bahagi ng Cope Thunder Philippines 26-1 sa Basa Air Base.

Layunin ng joint exercise na palakasin ang koordinasyon at interoperability ng dalawang magkaalyadong puwersa sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Ayon sa PAF, mahalaga ang ganitong pagsasanay upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific.

Pinaalalahanan din ang publiko sa Central Luzon na huwag mabahala sa paglipad ng mga fighter jet dahil bahagi ito ng military drills.

(JESSE RUIZ)

96

Related posts

Leave a Comment