QC LGU NAGBABALA SA TIGDAS, FOOD AT WATER-BORNE DISEASES NGAYONG TAG-INIT

NAGLABAS ng babala ang Quezon City Health Department sa publiko laban sa posibleng pagdami ng kaso ng tigdas, skin diseases, at food at water-borne illnesses ngayong tag-init.

Ayon kay Dra. Patricia Bonifacio, mas mabilis kumalat ang tigdas sa panahong mainit, lalo na sa mga batang magkakasama sa bahay o naglalaro.

Aniya, kadalasang napagkakamalan lamang itong simpleng rashes, kaya’t mahalagang maging mapagmatyag ang mga magulang.

Nagbabala rin ang health official sa panganib ng water-borne diseases mula sa maruming swimming pools, lalo na kung kulang o sobra ang chlorine.

Dagdag pa niya, tumataas din ang kaso ng foodborne illnesses dahil sa pagkaing nabibilad sa init, na maaaring magdulot ng diarrhea.

Pinayuhan ang publiko na iwasan ang matinding init mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon upang makaiwas sa heat stroke, exhaustion, at iba pang sakit.

Inirekomenda rin ang pagdadala ng tubig, payong, at pagsusuot ng preskong damit sa paglabas ng bahay.

Tiniyak ng QC LGU na bukas 24/7 ang mga health center upang tumugon sa anomang karamdaman ngayong summer.

(PAOLO SANTOS)

67

Related posts

Leave a Comment