INAASAHANG papalo sa 37°C hanggang 38°C ang heat index sa Metro Manila, partikular sa Quezon City, mula huling linggo ng Abril hanggang unang linggo ng Mayo, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni Ana Solis, head ng Climate Monitoring and Prediction Section, na ito na ang matinding alinsangan na mararanasan sa NCR, lalo na sa hapon at gabi.
Babala pa niya, posibleng umabot sa 40°C ang heat index kung lalala pa ang init ng panahon.
Sa ibang lugar tulad ng Sangley Point sa Cavite, at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, maaari pang pumalo sa 42°C hanggang 47°C ang heat index.
Dahil dito, hinikayat ang publiko na mag-ingat sa matinding init at iwasan ang heat exhaustion.
(PAOLO SANTOS)
57 