INARESTO ang lokal na rapper na si Abilla Gabriel, na mas kilala bilang “Hev Abi,” matapos makuhanan ng baril, bala at hinihinalang ilegal na droga sa Quezon City.
Ayon sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), isinagawa ang operasyon, madaling araw ng Martes sa bahay ng suspek sa Barangay Laging Handa, Diliman.
Nakumpiska sa lugar ang isang 9mm pistol, isang magazine ng G3 Taurus at 15 piraso ng bala.
Kasama ring inaresto ang anim na iba pang indibidwal na nakuhanan ng mga sachet na pinaniniwalaang ilegal na droga.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG-NCR ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(TOTO NABAJA)
130 