PNP, NAKAANTABAY SA POSIBLENG PAG-UWI NI ZALDY CO

NAKAANTABAY ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagbabalik-bansa ni dating Cong. Zaldy Co.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., hinihintay na lamang nila ang direktiba ng nakatataas habang patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya at foreign counterparts.

Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaaresto kay Co sa Czech Republic matapos umano nitong tangkaing makapuslit mula Portugal nang walang sapat na dokumento.

Tiniyak ni Nartatez na handa ang PNP na magbigay ng kinakailangang suporta upang matiyak ang maayos na pagsunod sa legal na proseso at ang posibleng pag-uwi ng dating mambabatas sa bansa.

(TOTO NABAJA)

128

Related posts

Leave a Comment