NASAWI ang dalawang lalaki habang sugatan ang isang opisyal ng barangay at isang bata matapos ang pamamaril sa Barangay San Jose, Calbayog City, Samar.
Kinilala ang mga nasawi sa alyas na “Joe” at “Osep,” habang sugatan si alyas “Essa,” isang barangay official, at ang kanyang apat na taong gulang na anak.
Batay sa imbestigasyon ng Calbayog City Police, sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Nagtamo ng maraming tama ng bala ang mga biktima, na nagresulta sa agarang pagkamatay ng dalawa.
Agad namang isinugod sa ospital ang mga sugatan, kung saan sumailalim sa operasyon ang barangay official. Nasa ligtas na kondisyon na umano ang bata.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen.
(JESSE RUIZ)
117 