TIMBOG ang hinihinalang mga miyembro ng communist terrorist group sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad noong Miyerkoles ng gabi sa Barangay Matab-ang, Talisay City, Negros Occidental.
Nadakip ang nasabing mga rebelde sa isinagawang operasyon ng COPLAN “HEAD STRIKE” sa pangunguna ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office Negros Island Region, katuwang ang CIDG, iba pang police units, at 79th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon sa ulat ng PRO NIR, ipinatupad lamang ang warrant of arrest laban kay alyas “Glem” na squad leader ng North Negros Front, para sa kasong attempted murder, nang madakip din ang apat pang kasama nito matapos na makumpiskahan ng mga baril at pampasabog.
Lumitaw sa imbestigasyon, napag-alaman na sangkot ang mga ito sa naunang engkwentro sa Toboso, Negros Occidental kung saan nakatakas umano sila.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang legal na proseso at pagsasampa ng kaso.
(TOTO NABAJA)
97 