TINANGAY ang tinatayang P100,000 cash na pondo ng isang security office, ng hindi nakilalang lalaki sa Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkoles ng umaga.
Ang nilooban ay ang Millennium Security Consultant Inc. na matatagpuan sa Platinum Commercial Bldg. E sa Brgy. Sampaloc 1, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa empleyadong si alyas “Jayson”, dakong alas-7:15 ng umaga nang matuklasan ang nangyaring panloloob nang pumasok siya sa kanilang opisina at napansin na nagkalat ang mga gamit sa kitchen area.
Nang puntahan ang kanilang tanggapan, napansin na puwersahang itong binuksan at nang ininspeksiyon ang vault, bagama’t sarado, napansin na sira ang accounting cash box at nawawala ang tinatayang P100,000.00 cash na laman nito.
Ang nasabing pera ay iniiwan bilang pondo para sa pang-araw-araw na panggastos sa kanilang opisina.
Base sa CCTV footage, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang nasabing tanggapan.
(SIGFRED ADSUARA)
70 