LALAKING NAGLABAS NG BARIL SA VIRAL VIDEO, TUKOY NA

TUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang lalaking nag-viral matapos maglabas ng baril sa insidente ng habulan sa Makati at Taguig.

Kinilala ang suspek na si Joey Sabando, isang protection agent na sumuko na sa Makati Police kasama ang kanyang .45 caliber pistol at affidavit.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Randulf Tuaño, hindi konektado sa anomang security agency si Sabando at wala itong official duty nang mangyari ang insidente.

Dagdag pa ni SOSIA Chief PBGen Rudecindo Reales, nakatakda nang bawiin ang lisensya ng suspek.

Nilinaw ng PNP na hindi road rage kundi hit-and-run ang pinagmulan ng kaguluhan matapos takbuhan ng pickup driver ang mga nabangga nitong sasakyan.

Sasampahan ng reklamong malicious mischief at alarm and scandal ang dalawang sangkot sa viral video.

(TOTO NABAJA)

101

Related posts

Leave a Comment