1 PATAY, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL SA QUEZON CITY

PATAY ang isa katao habang sugatan ang kanyang kasamahan matapos tambangan ng mga armadong suspek sa Quezon City.

Naganap ang insidente sa kanto ng EDSA at Timog Avenue pasado alas-4 ng hapon nitong Martes, Abril 28.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District, hinarangan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang puting kotse ng mga biktima at agad silang pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek. Naisugod pa sa pagamutan ang mga biktima, ngunit idineklara nang patay ang isa makalipas ang ilang oras, habang patuloy na ginagamot ang kanyang kasama.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa krimen.

“Investigation is ongoing to determine the identities of the suspects, establish the motive of the incident, gather additional evidence, including backtracking and forward tracking of CCTV footages, and witness statements. Moreover, to ensure an in-depth investigation, a Special Investigation Team (SIT) was created immediately to handle and closely monitor the case until its resolution,” ayon sa QCPD.

125

Related posts

Leave a Comment