REKLAMO VS CIDG IBINASURA NG NAPOLCOM; TONDO E-SABONG RAID, LEHITIMO

IBINASURA ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang reklamong isinampa laban sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region kaugnay ng e-sabong operation sa Tondo, Maynila.

Sa resolusyon ng komisyon, walang nakitang probable cause upang kasuhan ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon noong Marso 24, 2026 sa Coliseo de Manila sa Vitas.

Batay sa imbestigasyon ng Intelligence, Monitoring and Investigation Service (IMIS), lehitimo ang entrapment operation laban sa umano’y ilegal na online cockfighting.

Nauna nang inakusahan ng pamunuan ng Coliseo de Manila ang CIDG na nagsagawa ng raid nang walang warrant at cyber warrant para sa mga computer—na umano’y ebidensya ng e-sabong operations.

Sa kabila nito, pinanindigan ng Philippine National Police (PNP) na isinagawa ang operasyon alinsunod sa batas.

Umabot sa 28 operators at mahigit 136 bettors ang naaresto sa naturang operasyon.

Binigyang-diin ni Commissioner Ralph Calinisan na hindi dapat gamitin ang mga administrative complaint upang gipitin ang mga pulis na tumutupad sa kanilang tungkulin.

(JESSE RUIZ)

121

Related posts

Leave a Comment