DEPINISYON NG SC SA ‘FORTHWITH’ HINIMAY NI ATTY. INTON

NILINAW ng Supreme Court ang kahulugan ng terminong “forthwith” sa usapin ng impeachment, ayon kay Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP).

Ayon sa paliwanag ni Inton, ang “forthwith” ay hindi nangangahulugang agarang aksyon kundi “within a reasonable time,” na maaaring mag-iba depende sa sitwasyon at diskresyon ng Senado.

Binigyang-diin niya na bagama’t may itinakdang timeframe ang House of Representatives, walang eksaktong deadline para sa Senado sa pagsisimula ng impeachment trial.

“While the Constitution sets a specific timeframe for the House of Representatives to act on impeachment complaints, it does not impose a fixed deadline for the Senate to begin trial. Ibig sabihin, may time frame ang Kamara sa pag-act sa isasampang impeachment pero wala sa Senado,” dagdag pa ng abogado.

Sa kabila ng pag-apruba ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, nilinaw na hindi pa ito nangangahulugang “impeached” ang Bise Presidente.

Kailangan pa ng one-third vote ng lahat ng miyembro ng Kamara sa plenaryo upang maaprubahan ang Articles of Impeachment bago ito maipasa sa Senado.

“So nasayang lang ang “mini trial” sa Justice Committee? Hindi naman. Dahil paniwala ng Committee ay nasa kapangyarihan nila ang mag-hearing,” ani Inton.

Ipinaliwanag din ng abogado na maaaring makialam ang Korte Suprema sa proseso ng Kamara kung may alegasyon ng “grave abuse of discretion,” ngunit ang Senado ang may eksklusibong kapangyarihan na litisin at magpasya sa impeachment case.

Sa ngayon, inaabangan kung maghihintay ang Senado sa magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng mga nakabinbing petisyon bago umusad ang proseso.

149

Related posts

Leave a Comment