NAGPROTESTA sa harap ng Korte Suprema ang grupong Maisug upang igiit na papanagutin ang mga kongresistang boboto pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte-Carpio.”Zero vote,” giit ng grupo sa kanilang protesta.
Hinimok din nila ang Korte Suprema na aksyunan ang petisyon para sa writ of habeas corpus ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya si Duterte ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands, kaugnay ng paglilitis sa kanyang war on drugs.
Nanawagan din ang grupo sa media na tiyaking tama at wasto ang kanilang pag-uulat at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
(JULIET PACOT)
137 