PANUKALA PARA PALAKASIN ANG INSENTIBO SA KONSERBASYON NG CULTURAL AT HISTORICAL HERITAGE INIHAIN NI VILLAR

NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng panukalang batas na naglalayong palakasin ang konserbasyon at proteksyon ng mga kultural at makasaysayang ari-arian sa bansa sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act No. 10066.

Ayon kay Villar, layunin ng panukala na tugunan ang mga hamon sa pangangalaga ng pamana, kabilang ang kakulangan sa pondo, limitadong suporta ng institusyon, at mababang kamalayan ng publiko.

“Our identity is deeply rooted in our culture and history… hindi sapat ang pagkilala lamang sa kanilang kahalagahan,” ani Villar.

Sa ilalim ng panukala, iuuri ang mga kultural na ari-arian batay sa kanilang kahalagahan. Saklaw ng Grade I ang mga world heritage sites at national cultural treasures, habang kabilang sa Grade II ang iba pang mahahalagang ari-arian gaya ng mga obra ng National Artists at mga istrukturang mahigit 50 taong gulang.

Naglalaman din ang panukala ng mga insentibong pinansyal tulad ng tax exemptions sa property transfer, capital gains, at documentary stamp taxes, pati na rin ang real property tax reductions para sa mga kwalipikadong heritage structures.

Pinapayagan din ang tax credits para sa gastusin sa restoration, preservation, at conservation ng mga cultural property.

Para naman sa Grade III properties, maaaring magbigay ang mga lokal na pamahalaan ng tax exemptions sa pamamagitan ng ordinansa.

Pinalalakas din ng panukala ang penal provisions laban sa hindi awtorisadong pagsira o pagbabago sa mga heritage property.

(DANNY BACOLOD)

170

Related posts

Leave a Comment